DAHAN-DAHANG umunat si Angela nang magising siya kinabukasan. When she opened her eyes, she saw a different ceiling. Kaagad na nabalot ng pangamba ang puso niya. Muntik na siyang mapabalikwas ng bangon kung hindi lang siya nilalamig. Hindi ito ang silid ko sa Kietta, ah! Nang maramdaman niya ang mainit na hiningang tumatama sa bumbunan niya ay napatingala siya. Para lang makita ang guwapong mukha ni Hedvig na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Noon lang naalala ni Angela ang lahat-lahat. Nakatulugan na nga pala niya ang paghihintay dito kagabi. Gusto kasi niyang malaman kung gumawa na naman ito ng kasamaan sa mga tao. Kahit sinasabi ng isip ni Angela na "bawal", napatitig pa rin siya kay Hedvig. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. He does not look like a demon. Kahit ang paghing