LONDON, ENGLAND Nine months later... MULA sa de-salaming bintana ay nasisilip ni Angel ang mga snow. It's February, the snowiest month of the year in England. Pang-apat na araw na rin na umuulan ng snow. Gayun pa man ay katamtaman pa rin ang lamig sa lugar na iyon. Hindi kasinlamig ng ibang bansa sa Northern Europe, katulad na lang ng Finland. Bahagyang binuksan ni Angela ang bintana at inabas ang isa niyang kamay. Hinayaan niyang may mahulog na mga snow sa nakalahad niyang palad. Napangiti siya. Pero kaagad din iyong napalis nang makitang unti-unti iyong natutunaw. Snow is beautiful. But it reminds her that nothing lasts forever. Gaano man ka-heavy ang snowfall ay magwawakas din iyon sa mga susunod na araw. At kahit gaano man kahaba ang winter season, palaging nakaabang ang spring pa