KINAGABIHAN din ay nagpatawag ng meeting ang ama ni Gertrud. Tinipon ang lahat ng mga Werewolves para daw sa mahahalagang bagay. "Naging maayos ang pag-uusap namin ni Dimitri," pagsisimula ni Adolf nang makarating na ang lahat. Nakatayo ito sa gitna nang mga nakapalibot na mga kauri. Suot-suot ang paborito nitong itim na buckled shoes at knee-length knickerbocker trouser, pulang waistcoat at itim ding jacket. May headdress ito at scarf na nakapaikot sa leeg. Halos lahat ng suot nito ay yari sa balat ng usa at materyales na angkop sa malamig na panahon. "Napagkasunduan ng dalawang grupo na habang hindi pa tayo nakakahanap ng paraan kung paano makalaya sa mga White Kampflen, at ganoon din sila sa Black Kampflen, pansamantala munang ititigil ang ating hidwaan. Walang bampira ang puwedeng pu