"HINDI-I! Hindi totoo ang mga pinakita mo sa'kin!" paghihisterikal ni Noah pagkatapos na ipakita sa kaniya ni Ishi ang mga totoong nangyari nang umalis sila sa MnM pizza. "Hindi totoong naaksidente ang girlfriend at pamilya ko. Hindi rin ako patay dahil nananaginip lang ako. Ilang beses ko na itong naranasan." Nanginginig ang katawan na lumayo si Noah sa liwanag ni Ishi. Kahit paulit-ulit niyang pinapaniwala ang sarili na bunga lang ng kaniyang panaginip ang lahat ng nasaksihan niya sa kalangitan, nasasaktan pa rin siya. Nadudurog ang puso niya. Hindi niya lubos-maisip na mangyayari iyon sa nobya at sa kaniyang pamilya. At hindi pa siya patay! "Maniwala ka sa'kin, Noah. Kaya hindi mo agad naalala ang nangyari dahil normal sa inyong mga tao na kapag namatay kayo ay may mga memories kayo