Chapter 97-SPG

1900 Words

NAKAGAT ni Angela ang ibabang labi nang maramdanan niyang yumakap si Hedvig mula sa likuran niya. Nakahiga siya noon sa kama at patuloy na tinitimbang kung ano ba ang paiiralin niya: puso o isip niya. Nadudurog pa rin ang puso niya sa tuwing naiisip niya na maghihiwalay na sila ng kaniyang asawa. Pero patuloy siyang inuusig ng kaniyang konsensiya. At alam niyang hindi iyon titigil hangga't ipinagkakait niya sa mundo ang katahimikan at kaligtasan nito. "Umalis na si Athena. Babalik na lang daw siya kapag isasagawa na ang ritwal. Tutulungan niya tayo." Humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Hedvig. "I love you... And I will love you until I die. And if there's really life after that, I will love you then," madamdaming pahayag ng asawa. Nilunok ni Angela ang parang tinik sa kaniyang lalam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD