KIETTA,1986 MALALIM na ang gabi pero nanatili pa ring gising si Angela. Hindi siya makatulog sa sobrang lamig ng paligid. Apat na patong na ang winter clothes at medyas niya. Balot na balot na rin siya nang coat na gawa sa balag ng tupa. Ang kumot naman niya ay yari sa balat ng reindeer. Pero tumatagos pa rin ang lamig sa katawan niya. Bumagsak na namin kasi sa negative thirty one degree Celcius ang temperatura sa Kietta. Ito na ang pinakamalamig na panahong naranasan nila sa nakalipas na maraming taon. Walang maramdaman na kahit anong init sa paligid. Sa tuwing bumubuga ng hangin si Angela ay kaagad iyong nagyeyelo. Gusto niyang i-rub ang dalawang palad para makapaglikha ng kaunting init. Subalit siguradong kakainin lang din agad iyon ng lamig. Hindi kayang labanan ng kubo nila na ya