UMIIYAK na hinintay ni Angela na magkamalay si Hedvig. Kapag hindi nito masiyadong naalala ang lahat ng mga nangyari, totoo ngang kinontrol ni Aamon ang isip nito. Napahagulhol siya. Siguradong wala na rin sa sariling katinuan ang asawa niya nang magniig sila kanina. Dahil kung kontrolado lang nito ang sarili, hinding-hindi siya nito gagalawin. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Angela nang maalala ang nangyari noon sa kabilang isla. Parang gusto na niyang magduda. Pati na rin ang nangyari kina Ingria at sa mga anak nito. Posibleng si Hedvig ang may gawa niyon. Lalo pa at hanggang ngayon ay wala namang nahuhuling mga wolf ang mga taga-Tussarri. Pero kung matagal na siyang sinasapian ni Aamon, bakit hindi niya sinasabi sa'kin? Maaaring dahil hanggang ngayon ay wala itong naaalala sa mga nang