"Joseph huwag mong saktan si Tamara!" Pakiusap ni Klea sa kanyang kapatid, habang halos kaladkarin na siya nito palabas ng coffee shop. Umaagaw nga sila ng atensyon sa mga estudyanteng naroon na halos nakatingin sa kanila. "Kuya, bitiwan mo ko! Nasasaktan ako!" Sabi naman niya habang namimilipit siya sa sakit. "P*tang ina mo! Nilagay mo ko sa alanganin, nagtago-tago ka pang an*mal ka!" Galit na sabi ng kapatid sa kanyan. Naintakutan nga siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Sa higpit rin pagkakahawak nito sa kanya, tiyak na wala na siyang takas pa. Ito na ang katapusan niya. Tiyak na ibebenta na siya kung kani-kanino ng kapatid. Hila-hila pa rin siya ni Joseph nang makalabas ng coffee shop, nakasunod sa kanila si Klea na walang tigil sa pakiusap na huwag siyang saktan. Parang bin