"Are you ok, Tamara?" Maya asked habang nasa isang coffee shop sila ni Maya malapit sa University na pinag enrollan niya. Nakapag enroll na siya at ok na ang lahat, pwede na siyang pumasok bukas, salamat sa tulong ni Maya. Isa sa mga kaibigan ni Elijah si Maya at naka base na ito sa New York, kasama ang live in partner nito na kano. Nagtatrabaho si Maya sa malaking kompanya dito sa New York mataas ang posisyon nito kaya hawak nito ang oras nito. Kaya naman malaya siya nitong nasasamahan sa kanyang mga lakad dito sa New York. Hindi pa kasi niya kabisado ang lugar. Isang linggo lang kasi siyang nasamahan nu Elijah. Naglibot lang sila sa magagandang lugar sa New York. At iyon na nga after umalis din agas si Elijah, kailangan daw kasi nitong pumasok sa trabaho. Sa totoo lang nalungkot siya