"What the h*ll are you wearing, Tamara?!" Galit na tanong sa kanya ni Elijah nang lapitan siya nito. Huminto ang asawa isang hakbang mula sa kinatatayuan niya. Napalunok siya at hindi malaman ang isasagot sa asawa. Nakita niyang hinubad ng asawa ang suot nitong jacket at pinatong sa balikat niya para takpan ang cleavage niyang halos labas na. Alam niyang hindi gusto ni Elijah ang nagsusuot siya ng sexy mga damit. Kaya mula ng maging asawa niya ito naging mapili na siya sa kanyang susuotin. Sinadya lang niyang suotin ito para inisin ang asawa. "Let's go,' Elijah said at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya nakapalag pa. "Si Benjie,' she said napansin kasi niyang nakatingin sa kanila ang kaibigan nito. "He is ok. Ikaw ang hindi ok dito, Tamara," may diin ang tinig ng asawa. "What i

