Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Pauline sa pisngi niya. Kaninang umaga sampal rin ang inabot niya sa kanyang Papa ngayon naman kay Pauline. Sampal na nga yata ang bagong pang welcome sa kanya ngayon ng mga tao. "Hayop ka! Walanghiya ka, Elijah!" Sigaw sa kanya ni Pauline at pinghahampas pa siya nito sa dibdib. "Tama na Pauline, tama na!" Galit na sigaw niya sa dalaga nang mahuli ang magkabilang kamay nito para patigilin na ito sa pananakit sa kanya. "Hindi tayo nagkaroon ng relasyon Pauline. Huwag kang umasta na niloko kita! Ang Papa ko at ang mga magulang mo ang mmay pakana ng lahat! Pinagkasundo tayo na hindi inaalam kung ok lang sa side ko! Kayo ang nagdesisyon ng kasal na iyon. At ngayong pumalag ako para ako pa ang may kasalanan!" Mahabang litanya niya sa dalaga. "Hindi ak