"Bakit naman hindi kapa ready maging Mommy?" Tanong sa kanya ni Klea habang nag ra-rounds sila sa hotel bilang parte ng kanyang trabaho bilang supervisor at assistant naman niya si Klea. Nakwento niya sa kaibigan na nais na ni Elijah na itigil na ang pag take niya ng birth control, dahil nais na nitong magka anak na sila. Iyon nga nabanggit na rin niya sa kaibigan na hindi pa siya ready. "Gusto ko muna kasing magamit iyung pinag-aralan ko. Sayang naman at sa New York pa ko nakapagtapos tapos hindi man ako makakapagtrabaho," paliwanag niya sa kaibigan. "Baka nakakalimutan mo naman na may asawa ka na Tamara," Klea said. "Alam ko iyon, para sa akin kasi masyado pang maaga para magka anak na kame," she said. "Girl, 2 years na kayong kasal ni Elijah. At sa loob ng dalawang taon nagsama nam