Gaya ng kanyang inaasahan bago gigising siyang nasa hindi pamilyar na silid. Inasahan na niyang mauulit ang nangyari sa kanya sa room 503 sa pagsama sa kanya ng Kuya Joseph niya sa dinner. Kahit alam na niya ang kanyang sasapitin sumama pa rin siya sa kanyang kapatid na nakapikit ang mga mata. "Ang tanga mo!" Asik niya sa sarili nang bumangon at maupo sa kama. "Hinyaan mong pagsamantalaan ka ng kung sinu-sino!" Galit na sabi niya sa sarili at napahagulgol ng iyak. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Kung sana may lakas loob siyang ipagtanggol ang sarili, baka sakaling nailigtas pa niya ang kanyang sarili sa kapahamakan. Kung sana pinilit niyang huwag sumama sa kapatid, di sana hindi na naulit pa ang pananamantala sa kanya habang wala siyang malay. Hinayaan muna niyang umiyak siya ng umi