Kinabukasan hindi siya agad lumabas ng silid para iwasan si Elijah. Nais niyang nakaalis na ito bago siya bumaba. Hindi na niya hinintay makabalik si Elijah ng penthouse kagabi nang ihatid nito si Pauline. Naiinis kasi siya, kung anu-ano kasi ang pumasok sa isip niya kagabi sa ginawang paghatid ni Elijah kay Pauline. Naroon na naisip niyang baka may mangyari sa dalawa sa hotel room ni Pauline, lalo na't alam niyang nabitin si Elijah sa nangyari sa kanila kagabi. Well, kahit naman siya nabitin siya, lalo na't iyon ang una niyang karanasan sa ganoon bagay. Kung siya nga eh halos mapamura dahil nabitin, paano pa kaya si Elijah. Naisip nga niyang itinuloy ni Elijah kay Pauline ang hindi nila nagawa. Tutal mukhang matagal nang magkasama ang dalawa, at baka kung anu-ano na rin ang ginawa ng mga