Kanina pa siya nakatulala sa harapan ng asawa, wala siyang masabi rito. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi nitong mahal siya nito. "Tamara," tawag sa kanya ng asawa habang walang kurap pa rin siyang nakatitig rito. "Say something, please," Elijah said. "Ah...," tanging nasabi niya. Umurong na yata ang kanyang dila. Hindi niya inaasahan ang pag amin ng asawa sa kanya ng damdamin nito. Hindi naman din siya umasa na magkakaroon ng damdamin sa kanya ang asawa. "Ma... ma... mahal mo ko?" She asked. "Yes, Tamara, mahal na mahal kita," Elijah said. Hindi niya alam kung bakit pero basta na lang tumulo ang kanyang luha sa sinabi ng asawa sa kanya. "I want everything to make it right, Tamara. I know masyado kong minadali ang lahat sa iyo. Now, I will fix it," Elijah said habang