Napanganga siya sa narinig niya kay Elijah, hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula rito. Ganoon pa man kailangan niyang magmukhang matapang at hindi takot rito, para hindi siya nito lamunin. "Sinungaling ka! Idadamay mo pa ang kapatid ko!" Asik niya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit naunang pumasok sa silid ang Kuya mo at si Missy?" Tanong nito sa kanya. Hindi na naman siya nakakibo. Nanatiling nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Elijah. Si Klea man tinanong sa kanya kung ano ang ginagawa ng kapatid niya at ni Missy sa silid na iyon. Wala siyang maisagot dahil ayaw niyang masangkot ang kapatid sa gulong ito, although halata naman na malaki ang kinalaman ng kapatid niya. Pero hindi naman siguro ganoon kasama ang Kuya Joseph niya para ipambayad utang kay Elijah.