"I love you so much, sweetheart," he sincerely said habang nakayakap ng mahigpit sa asawa. "I love you, Elijah," tugon sa kanya ng asawa. Napangiti siya t hinalikan sa buhok ang asawa. Mukhang ayos na sila at hindi na galit sa kanya ang asawa. Masyado kasi niyang ginalingan ang performance niya kanina sa may hagdan palang hanggang sa umabot na sila sa may silid nila. Sa ganoong paraan siya bumawi sa asawa sa mga pagkakamali niya na hindi naman din niya sinasadya. Hindi niya alam na nasasakal na pala ang asawa niya sa sobrang protective niya rito. Wala naman kasi siyang ibang nais kung hindi ang ikabubuti ng asawa. Alam naman kasi niyang kaya niyang ibigay ang lahat ng kailangan nito. Kaya niya itong bigyan ng magandang buhay, pati ang kanilang magiging anak. Ganoon pa man maganda na ring

