Hindi nawala ang malapad na ngiti sa labi ng kanyang ama nang sabihin ni Elijah na nais siya nitong pakasalan. Wala namang naging tugon ang kanyang ina na marahil nagulat sa mabilis na pangyayari. Sino ba naman ang hindi magugulat dalawang linggo lang siyang nawala tapos pagbalik ikakasal na siya. Masamang tingin naman ang pinupukol ni Joseph sa kanila ni Elijah. Hindi tuloy niya maiwasang sumiksik kay Elijah dahil sa takot na nararamdaman sa kay Joseph. Kahit nariyan ang mga magulang niya pakiramdam pa niya kay Elijah siya safe. Kung gusto nga lang niya pwede na niyang isumbong si Joseph sa mga magulang iyon nga lang nag-aalala siya para sa Mommy niya. Kaya mabuti ng manahimik na lang siya. "Eh kailan ba ang kasal? Aba dapat eh bongga iyan at dito mismo sa San Miguel gaganapin ang kasa