"Are you ok?" He asked nang patayin na niya ang makina ng sasakyan pagpasok sa bakuran ng bahay ng kanyang mga magulang sa Tragora Subdivision. Pansin ka niyang kabado si Tamara. Isama pang buong biyahe tahimik ang dalaga, kaya alam niyang kinakabahan ito. "Ah... Eh... To be honest, kinakabahan ako," tugon nito sa kanya nang sulyapan siya nito. "Huwag kang kabahan I am here," he said para bigyan ito ng assurance. Para sa kanya wala naman talagang dapat ikakaba si Tamara. Mabait ang mga magulang niya, lalo na ang kanyang Mama. Sadyang magugulat lang marahil ang mga ito pag nalaman na hindi si Pauline ang nais niyang mapakasalan. Mula ng magbinata siya pinagkakasundo na siya kay Pauline. Wala naman siyang nagiging pagtugon sa mga magulang niya, pero alam niya sa sarili niya na hindi si