"Sorry?" Pag-uulit niya sa sinabi ko. "Yeah." Nag-iwas ako ulit ng tingin. "Hindi ko alam kung para saan iyon pero iyon nalang ang tatanggapin ko. Yung paghingi mo ng tawad noong naalala mo pa lahat." "I'm..." Hindi niya alam ang sasabihin kaya ako nalang ang nagsalita. "Alam kong mahirap din sa iyo ito. You woke up not remembering what happened and ending up saying sorry for something that you can't even remember." Hindi ko masabi sa kanya kung bakit hindi ako naalala ng puso niya. Ayokong isumbat ang mga hinanakit ko. I want him to live peacefully too. Ayokong habang buhay niyang dadalhin ang guilt sa ginawa niya. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na sobrang bait mo o kabahan." "I came here to say my final goodbye." Humarap ako sa kanya. Sitting in front of me is the man I

