"What's this?" Nilingon niya ako habang nakaupo kami sa damuhan. Katatapos lang namin mag-jogging at ngayon ay nagpapahinga kami bago umuwi. Hindi kami sabay mag-aagahan dahil sasabay ako kay Trina. "Tignan mo kaya." I handed him a box with a ribbon. Nakalagay doon ang scrapbook na ginawa ko. Ang cover non ay collage ng maliliit na larawan, epic o hindi, at naka-form ng heart. Sa baba non ay nilagyan ko ng handwritten na pangalan niya. "Hindi ka na sana nag-abala. I told you--" "Just open it. Salita ka ng salita eh." Tinignan niya ako ng masama na ginantihan ko lang ng tawa. Ilang sandali niya pa itong tinitigan bago tuluyang binuksan. Siya'y tutok na tutok ang tingin sa laman ng box at ako'y abala sa pagsilip sa bawat reaksyong namumutawi sa kanyang mukha. His eyes widened. Kumibot