"Ready na yung mga pagkain? Naisakay na? Where's my luggage?" Kasalukuyan kong chine-check lahat ng necessities ko sa aking bagpack habang si Trina ay naroon sa labas ng sasakyan para i-check ang mga gamit namin. We're now leaving. Sabay-sabay na kami nila Zale papunta sa airport since we're all in the area. "Vitamins?" Nagulat ako sa presensya ni Zale sa tabi ko at hindi agad nakasagot. He handed me a Tupperware which I do not know what is for. "Ano ito?" I asked while opening the box. Siya naman ay tinitignan ang laman ng bag ko. Anong trip neto? "Hindi ka nagdala ng vitamins mo?" He asked before answering my question. "That's pancake. I cooked it before I came here. Kainin mo na habang hindi pa tayo umaalis." Aww. Paborito ko talaga yung mga ganitong pa-simpleng pagke-care niya. H