"Scarlett Crimson, Crimson's youngest daughter who went missing after the k********g incident on her birthday. The heiress we've been looking for years now." Emosyonal niya akong tinitigan, mistulang napakahalagang brilyante na nakakatakot hawakan. I pressed my lips together. Wala akong naintindihan sa sinabi niya bukod sa binanggit niya ang pangalan ko. Naguguluhan akong tumingin sa kanya saka sa isa pang lalaki na kasama nito. Suot ang kanilang mga pormal na kasuotan na akala mo'y makikipag-business deal sa kausap. Siya yung lalaki na nakabungguan ko noong party ni Zammantha. The familiar man which I cannot figure out where and when I saw him. Alam kong hindi ko pa siya nakikita before pero may kung ano sa akin na nagsasabing pamilyar siya, yung boses at presensya niya. Nakakapagtaka.