(How's your life in there?) (Hoy Sky! Sige, ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin.) I guess, a part of me will always miss those times that I spent with them. Ka-video call ko ngayon si Jace at Kenneth. Magkahiwalay sila ng video at magkaiba rin ng background kaya natitiyak kong hindi sila magkasama. Noong una na mag-aya sila na mag-video call ay tinanggihan ko sa pag-aakalang makikita ko roon si Zale pero nang i-assure ako ni Jace na wala si Zale ay napapayag na rin ako. "Ayos naman. Naka-adjust na rin kahit papaano. Kayo?" Ngumuso si Kenneth na parang bata. (Na-cu-curious pa rin ako kung bakit kayo naghiwalay pero hindi na ako magtatanong.) Mapait akong ngumiti at nahagip ko si Trina na napatingin sa akin. She's calling Kael right now, too. (By the way, same course ba ang kukuhani

