"A-ano?" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Hindi magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. It feels like I am slowly getting vulnerable again and I'm so scared it might break the walls I built for years. He leaned on the table, closer to me. Hindi ko mabasa ang mga mata niya pero alam kong hindi siya nagsisinungaling. Bakit? Kasi wala naman siyang mapapala sa paggawa ng kwento. He cannot hurt me with those anymore unless he wanted to hurt me again by opening the wounds that was still in the process of healing. "Hindi ko alam kung maniniwala ka kaya kinuha ko ito." May kinuha siya sa bulsa at nahigit ko ang aking hininga nang makita ang pamilyar na flashdrive ni Zale. I'm very familiar with it because that thing is always with him. "Ginagamit ko ito pero noong isang linggo ko lang

