Pinaupo niya ako sa sofa at pinainom ng tubig. Humihikbi pa rin ako sa pag-iyak. Ganoon pala ako katakot na mangyari ulit lahat. May trauma na nga talaga ako sa mga ganitong pangyayari. Zale, on the other hand, comforted me with all that he can. "What's wrong?" Malambing at nag-aalala ang tono ng boses niya. Ngayon lang ako tinamaan ng kahihiyan sa ginawa ko. Nakakaasar! Niyakap ko siya. Hindi ba mukhang masyado ko siyang na-miss kahit kahapon lang kami nagkita? Baka sabihin niya ay masyado akong clingy. Pinamulahan ako ng mukha at uminom ulit ng tubig. "I'm sorry hindi ako nakatawag kagabi at kanina. Na-snatch yung phone ko sa Cebu kahapon. And hindi ko memorize ang phone number mo. Kabibili ko lang ng bagong phone at sim card kanina." Kinagat ko ang ibabang labi at medyo nakahinga n

