Matapos ang sandaling bakasyon na iyon ay bumalik na kami sa normal naming buhay. School, condo at trabaho. Kapwa kami naging busy ni Zale kaya maski lunch ay hindi na kami nagkikita-kita. Gayunpaman ay sinusundo niya pa rin ako ng walang palya sa trabaho. "How was it?" "Hmm?" Taka kong nilingon si Kenneth. Today is Thursday. Four days since that one night vacation with Zale. Apat na araw na rin kaming ganito ka busy. Nagsunod-sunod kasi ang mga requirements namin at pagre-review na rin for finals. The 3rd years are busy with their defense. Tumabi siya sa akin. Nakaupo ako sa sulok ng library nang bigla siyang dumating. May hawak itong libro kaya batid kong kanina pa siya naririto. Napansin niya siguro na nandito ako kaya siya lumapit. "Saan kayo nag-celebrate ng birthday ni Zale?"