Chapter 26 Simula nang magbasa sila Irene at Nathan ng mga lumang kaso tig-sampung kaso pa lamang ang nababasa nila, dahil nagtatrabaho sila sa iisang team, hindi na muna sila pinadala sa field at nasa opisina sila ngayon para pag-aralan ang mga lumang kaso, sa dami n’un hindi nila alam kong mahahanap nila ang tugmang nangyayare ngayon, dahil puro tungkol sa kidnapping ang mga nawawalang batang nababasa nila at nakikita naman ang katawan na patay kong saan. Ang gusto nilang mabasa ang pagkawala ng bata at hindi na muling nakakabalik sa mga pamilya nila, katulad ng nangyayare ngayon sa tatlong bata. Busy lang sa pagbabasa si Nathan sa bago niyang nabuksan na files, habang si Irene naman ay nagbabasa ng bagong text na galing sa katrabaho nila sa field,