Chapter 20 Nang maidilat ni Alex ang mga mata niya, unang naramdaman niya ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib, animoy may hindi magandang nangyayare, umupo siya bago tuluyang bumangon sa kanyang kama, napakatahimik ng bahay, bahagyang madilim na rin sa labas, bumukas ang pintuan sa katapat niya, lumabas doon si Marcus, nagkatinginan sila nito. Wala siyang ekpresyon na nakikita sa binata, kong di nakasimangot, siguro dahil kay Agatha. Aalis na sana ito nang pigilan niya, “teka lang.” Humarap naman si Marcus sa kanya, “ano naman ‘yon?” “Itatanong ko lang kong na saan si Agatha?” Nagtaas ang isang kilay ni Marcus nang tanungin niya ang dalaga. “Mukha ba akong hanapan ng nawawalang girlfriend,” sarkastikong sagot ni