Chapter 15
Napabalikwas ng bangon si Agatha dahil sa kanyang panaginip, na naman. Nagising din si Alex nang magising siya, pareho silang nakatulog sa mismong silid ng dalaga nang magkwento ito kay Alex, makikita sa mukha ng binata ang pag-aalala sa dalaga, namumutla ito at pinagpapawisan ng malamig, para itong lalagnatin pero alam ni Alex na dahil lang ito sa panaginip ng dalaga.
Walang umiimik sa kanila, kahit hindi magsalita si Agatha, alam na ni Alex kong anong pinagdadaanan nito. Sumulyap si Agatha kay Alex, binigyan naman ni Alex si Agatha ng tipid na ngiti at hinalikan ang noo ng dalaga.
Bahagyang lumayo si Alex at kinuha si Agatha para humiga sa braso niya, ngayon animoy batang nakatago si Agatha sa bisig ng binata, “matulog ka na lang uli Agatha, andito naman ako, babantayan kita.” Anya ng binata.
“Hindi ko alam kong makakatulog pa ba ako,” halos pabulong na wika ng dalaga.
“Edi hindi rin ako matutulog, sabi ko sa ‘yo sasamahan kita,” giit ni Alex saka yinakap ng mahigpit si Agatha na animoy mawawala ito sa kanya anumang oras.
ISANG ingay mula sa labas ang bumulabog sa pamilya Marquez sa kanilang agahan, ingay ng ambulansya at tunog ng isang kotse na madalas marinig sa mga pulis. Isa-isa silang nagsilabasan, may iilang naiwan sa hapag-kainan, nagkatinginan sila Alex at Agatha at sumunod kila Dante sa labas. Paglabas nila ng bahay, nakita nila ang ambulansyang papaalis pa lang galing sa ikatlong bahay na malapit sa kanilang hilera.
Unang lumabas si Agatha at tumungo sa bahay na pinang galingan, marami pa siyang nakitang taong nagkukumpulan doon, narinig niyang tinawag siya ni Alex pero hindi niya ito pinansin, malapit na siya sa mga tao nang may humatak sa kanya paharap, kitang-kita niya ngayon kong ga’ano ito ka seryoso habang nakatingin sa kanya.
“Anong gagawin mo?” Hindi malaman ni Agatha kong na iinis ba sa kanya ang binata.
“Gusto ko lang makita kong ano yong nangyayari Alex,” habang tumatagal palakas ng palakas ang kalabog ng dibdib niya sa kaba.
“Gusto mong masiguro kong tungkol na naman ba ito sa mga nakikita mo?” Tanong muli ni Alex kay Agatha.
Hindi niya alam kong tatango siya, nagkaroon siya ng panaginip kaninang madaling araw, baka isa na naman ito sa mga napaginipan niya, tumango siya sa binata bago nagsalita, “oo gusto ko lang malaman,” mahina niyang sagot.
Bumaba ang hawak ng binata mula sa braso papunta sa kamay niya, “ok sasamahan kita.”
Na unang naglakad ang binata habang nakasunod siya sa likod nito at magkahawak ang kamay nila. Si Alex ang naghahawi sa mga tao para makarating sila sa unahan, hanggang sa huminto sila yellow line ng mga pulis.
Laking gulat ni Agatha na may dalawang bangkay na nakahiga sa sahig, parehong may takip ang mga katawan nito ng puting tela hanggang baba, kitang-kita ng lahat ng tao doon at silang dalawa ang putla ng mukha nito, pati ang mga nanunuyot na dugo sa mukha.
Nang mapasulyap si Agatha sa matandang lalaki na halos edad 35+, hindi siya makapaniwala na makitang patay sa harapan niya ang nakita niya kaninang madaling araw sa panaginip niya, hindi niya na pansin na humihigpit ang hawak niya sa kamay ng binata.
May dalawang tao ang lumabas mula sa labas ng bahay, isang babae at lalaki, pamilyar kay Agatha ang lalaki, siya rin yong nakita niya sa palengke tungkol sa nawawalang bata, kumilos si Agatha para pumasok sa yellow line pero hinawakan naman siya ni Alex ng mahigpit para hindi niya ‘yon magawa.
“Halika na Agatha,” hindi na siya nakapalag pa nang hilahin siya ni Alex sa kumpulan ng mga tao.
“Alex,” nahinto ang binata nang tawagin niya ito at humarap sa kanya, nagtataka itong nakatingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay, “gusto kong sabihin lahat ng nalalaman ko,” sa pagkakataon na ito nagulat si Alex sa sinabi niya.
Umiling ang binata, “hindi mo pwedeng gawin yan.”
Bumitaw si Agatha sa binata, “bakit hindi ko pwedeng gawin ang alam kong makakatulong sa paglutas nila ng kaso?”
“Agatha gusto mo bang pagkamalan uli na suspek sa isang krimen?” Natauhan si Agatha nang ipapaalala sa kanya ni Alex ang tungkol doon.
Umiwas siya ng tingin kay Alex, napakagat sa labi niya. Kaya lang naman niya gustong gawin ‘yon dahil ayaw na niyang maulit uli ang nangyari sa mga kaibigan niya, pakiramdam niya wala siyang nagawa para man lang mailigtas ang mga ‘yon sa kamatayan, pero may punto si Alex, magiging suspek siya, iniisip niya na bakit napakakumplikado ng lahat sa buhay niya, na hindi ba siya pwedeng mamuhay ng normal.
Gusto niyang maging emosyunal pero pinigilan niya ang sarili sa gano’ng bagay, lalo lang siyang nagiging mahina.
“Agatha hindi ko gustong hindi ka tumulong, alam kong tama kong sasabihin mo ang lahat, pero hindi ko gustong mangyari sa ‘yo uli yong nangyari sa atin noon, na pinaghinalaan kitang suspek sa nangyari, kaming tatlo lang nakakaalam tungkol sa kakayahan mo at ng pamilya mo. Gusto ko lang maging ligtas ka, pinoprotektahan lang kita,” huminga ng malalim si Alex bago ito nagpatuloy, “alam kong mahirap ‘to sa ‘yo, nahihirapan din ako na ganyan ka, pwede bang wag mong ilagay yong sarili mo sa panganib.”
“Ayoko lang makaramdam na wala akong pakinabang, kasi ‘yon yong nararamdaman ko ngayon kahit na alam kong may magagawa ako pero hindi eh,” may luhang tumakas sa mga mata niya.
Pinunasan naman ni Alex ang luha ng dalaga, “at wag kang iiyak sa harapan ko, pakiramdam ko ako may kasalanan kong bakit ka umiiyak.”
Hindi alam ni Agatha kong maiyak siya o tatawa sa sinabi ni Alex.
Huminga ng malalim si Alex, “kong ganyan ang pakiramdam mo, gagawa tayo ng paraan kong paano ka makakatulong.”
Nagulat si Agatha at napatitig sa binata, “paano?”
“Alam bakasyon natin ‘to, pero tingin ko trabaho ang humahabol sa amin kahit saan kami magpunta,” sambit ni Alex.
Ngayon nagsisisi naman si Agatha na sinabi niya lahat kay Alex, kong di dahil sa kanya hindi ito mapipilitan na magtrabaho sa kasong hindi naman nila hinahawakan.
~*~
“Alex anong problema sa opisina at pinatawag tayo para raw magtrabaho sa Claret sabi ng Director?” Bungad ni Dante kay Alex nang silang dalawa na lang sa silid ng binata kasama si Jane. “Alam mong nasa bakasyon tayo, ayoko ng trabaho,” reklamo nito.
Nang matapos makausap ni Alex si Agatha, iniisip niya na may kailangan din silang gawin lalo na’t palibot lang sila ng mga krimen na nangyayari sa bayan ng Claret, isa pa ayaw niyang gumawa ng hakbang si Agatha na hindi niya magugustuhan, ayaw niyang mapahamak si Agatha, kaya siya mismo ang gagawa para matigil ang lahat.
Tinawag niya sa opisina kong pwede silang magtrabaho sa bayan ng Claret tungkol sa nangyayareng krimen doon, pinayagan naman sila pero sa isang kondisyon kailangan na naman nila magsama na tatlo, hindi man niya gustong idamay ang dalawa pero ito lang ang nakikita niyang paraan para matahimik na ang lahat.
“Sa tingin ko may valid reason naman si Alex sa atin,” wika naman ni Jane.
“Meron talaga, sa tingin isa itong malaking problema, alam ninyo ‘yong nangyayari ngayon sa Claret, nakikita ‘to ni Agatha, lahat.” Sabi ni Alex sa dalawang kaibigan. Pinaliwanag niya ang lahat at kiniwento katulad ng kwento ni Agatha sa kanya noong gabing mag-usap sila.
Nagkatinginan si Jane at Dante bago muling bumalik ng tingin kay Alex.
“May nakikita na naman si Agatha at tungkol ‘yon sa Claret?” Pagsisiguro ni Jane na tama ang narinig niya.
Tumango naman si Alex na tama ang narinig nito.
Natahimik sila bago nagsalita muli si Alex, “hindi ko gustong magtrabaho ngayon, pero mas maganda kong tutulong tayo sa pag-aasikaso.”
Ngumiti si Dante kay Alex na animoy may ibig itong ipahiwatig sa binata, “no problem dude, alam muna naman na team tayo, hindi ka namin pwedeng iwanan at sa tingin ko kaya ka ganyan dahil kay Agatha at tutulungan ka namin dyan.”
Ngumisi naman si Jane sa sinabi ni Dante, naiintindihan naman ng mga ito kong anong meron kay Agatha at kay Alex. Napangiti naman si Alex at nagpasalamat sa mga kaibigan.