Alexandra's P O V Mga ilang minuto rin ang tinahak ko papuntang cafeteria na malapit sa condo ni kin. Wala akong nakita at naramdaman na nakasunod sakin habang nagmamaneho ng kotse. Pagkarating ko sa nasabing lugar ay agad kong natanaw si kin sa loob ng cafeteria. Dahan dahan ko siyang nilapitan. Napabuntog hininga nalang ako nang makarating ako sa likuran ni kin. Dapat ko bang sabihin sakanya ang totoo? Ayaw ko siyang magalala. Ayaw kong malaman niya na nanganganib ang buhay niya. Pero. Mas nakakabuti ata na sabihin sakanya ang totoo. At sa ganoon ay makapaghanda siya sa lahat ng panahon. "Nandito kana pala" tsaka ito humalik sa aking labi. Wala akong kibo na umupo sa upuan katapat ni kin. "Teka ah? Order muna ako" tsaka ito tinawag ang waiter. Kitang kita ko