NAGISING si Mark mula sa ingay ng doorbell ng condo nito. Inis na inis na bumangon sya upang sugurin kung sino man ang bwisit na umistorbo ng tulog nya. Napatingin siya sa digital clock at alas dose na ng tanghali. Literal na tanghali na pala talaga siyang nagising. Mas lalong nabwisit si Mark dahil sa walang tigil na pag iingay ng doorbell ng condo nya. Padabog nya itong binuksan ng makitang mga siraulong mga kaibigan nya ang nambubulabog sakanya sa labas. "Anak ng!! Anong gagawin nyo nanaman dito?!" Sigaw ni Mark sa mga ito ngunit tila walang pakielam kung magbuga man sya ng apoy dahil nagtawanan lang ang mga siraulo. "Tss. PMS si Mark. Good afternoon brad! Mukang kakagising lang natin ahh." Tapik ni Tyron sakanya. "Heh! Anong kailangan nyong tatlo?!" "Wala. Tambay lang.. Pak