My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 64: Limitasyon Patuloy na dumagundong ang nakaka kilabot na ingay sa paligid na wari'y mga bangkay na umiiyak sa iba't ibang direksyon, kasabay ng pag sabog ng pwersa sa bagay na bilog ni Xandre ay ang paglabas ng mga usok sa paligid nito na animo may sariling buhay, ang lahat ng puno, halaman at hayop sa paligid ay mga namatay at natuyo't. Para itong isang malagim na sumpang kumalat sa buong lugar na ang mga apektado lamang ay ang mga bagay na may maliliit na buhay kabilang na ang mga taong may mahinang pangangatawan. "Kumakain ng enerhiya ang bola, kinakailangan ito upang makompleto ang porma ni Xandre sa loob nito," ang bulong ni Boss Lu. “Kung ganoon ay delikado ang mga tao sa siyudad, baka pati sila ay mamatay rin at matuyot!” ang pag-aala