My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 58: Daupang Palad Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ngayon ang pinakamalakas na heneral kalangitan na bumabagsak sa ere ang katawan na animo kometang nagliliwanag pabulusok sa lupa. Duguan dito, walang malay, may nakatarak na sibat sa tiyan at ang pakpak ay halos walang lakas para ikampay. Kaya naman mas binilisan ko pa ang aking paglipad at noong makalapit ako sa kanya ay sinalo ko ito. Tila ba isang perpektong senaryo sa mga pelikula kung saan sinalo ng isang demonyo ang anghel mula sa pagkakabagsak nito sa kalangitan. Habang nasa ere ay napansin kong umuusok ang itim na sibat na nakatarak sa katawan ni Yul. Ang sibat na ito ay pag aari ni Xandre na matatagpuan lamang sa kaharian ni Lord Sate. Isang uri ng espesyal na batong ginagamit up