My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 43: Ang Shota ni Santi "Hello, Devon and Boss Lucio, siya si Arnold ang boyfriend ko. Arnold, sila naman sina Devon at Boss Lucio ang mga kaibigan ko at kasama dito sa bahay," ang malanding pagpapakilala ni Santi sa isang lalaking inuwi niya dito sa bahay. "Yes, I know him, siya si Devon Holycross yung star sa paranormal squad season 2 at 3, tapos siya naman yung frend mo na professor diba?" ang nakangiting tanong ni Arnold. "Yes tumpak, sila nga iyon pero Devon Vanford talaga ang real name niya. Sobrang hardworking nila no?" pagmamalaki naman ni Santi na may halong paglalandi kaya naman kinambatan ko siya sa kusina habang nagtitimpla ako ng malamig na inumin. "At sino naman yung Arnold na iyan?" tanong ko naman. "Boyfriend ko nga, nakilala k