My Guardian Devil AiTenshi Part 14: Ang Ala-ala ni Yul Alas 3 ng umaga, nagulantang ako noong biglang bumalikwas ng bangon si Yul, tila nanaginip ito ng masama at hingal na hingal kaya naman agad kong binuksan ang ilaw para siya mahimasmasan. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya, hinubad ko ang kanyang sandong basang basa ng pawis, kahit aircon sa kwarto ay tagaktak pa rin ito. "Sandali, kukuha ako ng tubig," ang dagdag ko pa at agad akong bumaba sa kusina. Pag balik ko ay inabot ko sa kanya ng bote ng tubig at pinunasan ko rin ang kanyang pawis na katawan. "Ano bang nangyari? Nananaginip ka lang siguro," ang pag tataka ko. Tumango siya. "Oo, bakit ganoon, lagi kong napapanaginipan yung lumang bahay namin sa probinsiya. Lagi kong nakikita yung mga senaryong may nag papatayan doon, m