My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 56: Mahalagang Alyansa Lumipas maraming araw ng aming pag eensayo. Dito ko napagtanto na halos ibang tao na ako. Hinubog ako ni Clement na maging isang mahusay at matalinong mandirigma. Hindi ko ramdam na malakas ako ngunit batid kong nag improve naman at yumabong ng husto ang aking kakayahan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang aking magiging guro ay si Clement, ang iniidolo ko sa supremo at ngayon lahat ng alam niya itinuro niya sa akin kaya't halos pareho kami ng taktikang ginagamit sa pakikipaglaban. "Kapag malakas ang guro ay malakas rin ang kanyang magiging mag aaral. Naniwala ako doon Devon. Hindi tayo ang pinakamalakas dahil mas marami pang nilalang sa dako pa roon na mas makapangyarihan kaysa sa atin, ngunit hindi n