My Guardian Devil Season 3 AiTenshi Part 53: Clement "Huwag mong masyadong igalaw ang braso mo at daliri mo dahil kaayos ko palang niyan. Wala kang ideya kung gaano kahirap tahiin ang mga tissue at mga muscles sa katawan mo," ang wika ni Clement noong biglang gumalaw kaagad. "Paano mo nagawa ito? Mang gagamot ka ba o isa ka bang doktor dati?" tanong ko naman dahilan para matawa siya. "Sayang marunong lamang akong pag hilumin ang aking sarili. Marahil ay natutunan ko ito sa maraming taong pakikidigma ko sa aming kaharian. Maganda ang aking buhay noon, perpekto ito at napaka payapa." "Kung perpekto ang buhay mo at payapa ito, e bakit nasa hell society ka? Dapat nandun ka sa itaas ah," ang makulit kong sagot. "E ikaw, diba't mabuting tao ka rin? Bakit nasa hell society ka at bakit pan