My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 35: Simula ng Digmaan "Paparalisahin ng orasyon at mga enerhiyang patalim ang iyong katawan. Ngayon ay aalisin natin ang iyong mga lamang loob upang makita kong ano ang nariyan. Hindi ito masakit ginoo, titiyakin kong wala kang mararamdaman!," ang nakangising wika nito sabay tarak ng karayom sa tapat ng puso ng kalaban. Napasigaw si Leo at mabilis itong bumulagta sa lupa. Sumuka ng dugo ang kanyang bibig kasabay noon ang pag pikit ng kanyang mga mata. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa amin basta ang alam ko lang ay delikado ang kalaban. "Una palang sinabi ko na sa inyo na isa akong makapangyarihang babaylan, may kakayahan akong mag gawad ng malakas na sumpa para wakasan ang lahat ng aking nais. Iyan ang naglagay sa akin sa sampung m