My Guardian Devil Season 2 AiTenshi Part 37: High Spear of Lance Halos dalawang buwan na ang lumipas mag buhat noong ikasal kami ni Yul at makasagupa ng mga miyembro ng Supremo de Guardine. Sa mga nagdaang panahon ay mas naging matibay ang aming samahan, mas maging makabuluhan ang aming pagsasama. Sa kabila ng pangamba ay pilit kaming namuhay ng normal na parang ordinaryong mag-asawa. Si Santi naman ay tinupad ang kanyang balak na mamuhay na rin ng normal, namasukan siya bilang isang chef sa isang restaurant. At si Boss Lu naman dala ng pagkainip ay nag trabaho rin bilang isang teacher. Lahat naman ay pwede nilang gawin dahil unlimited ang kanilang talino, ineenjoy lang nila ang buhay na normal, syempre ay magkakasama pa rin kami sa iisang bubong dahil kami ay pamilya na rin. Kami nam