Shantal Mia "Kumain ka na para madali kang lumakas at gumaling kaagad," ani Felix habang iniuumang niya sa bibig ko ang kutsarang naglalaman ng kanin at ulam. Napalunok ako at hindi kaagad nakakilos habang nakatitig sa pagkain. Umuusok pa na kanin at beefsteak with broccoli ang ulam at mukha naman siyang masarap. Nalalanghap ko rin ang mabangong amoy niyon. Ngunit hindi ko mapigilan ang paglakas ng kabog ng dibdib ko at pangamba sa pagkain na ibinibigay niya sa akin. "Hey, don't you like it? Masarap 'to. Ako pa naman ang nagluto." Kaagad niyang isinubo sa bibig niya ang pagkain na dapat ay para sa akin. Napanganga naman ako sa ginawa niya lalo na nang sumalok siyang muli sa plato at muli niyang inilapit sa akin ang kutsarang ginamit na niya. "Sige na, bago ko pa 'to maubos." Mas idi