Third Person Five hours ang lumipas bago nasundo ni Glecy ang mga agent niya sa Fuga Island sakay ng isang helicopter. Wala silang nagawa kundi ang maghintay dahil sa nasira nilang mga sasakyang pandagat. Si Andrei ay nananatiling tahimik sa isang tabi at hindi makausap ng maayos kahit pa anong pagkumbinsi ang gawin sa kanya ng mga kasama niya. Hanggang sa makabalik na silang muli ng Manila. Umuwi sa sariling bahay niya si Andrei at nagkulong sa loob ng isang buwan. At kung hindi pa nagtungo doon ang kapatid niyang si Ghian ay hindi nito magagawang magbukas ng pinto at masilayan ang liwanag sa labas. "What the hell is going on with you? Are you still looking in the mirror?" tanong sa kanya ni Ghian habang pinagmamasdan ang hitsura niya. Tanging boxer lang ang suot niya. Sabog-sabog an