Third Person "Hmmm! A-Andrei, sandali!" Malakas na itinulak ni Mia si Andrei at kaagad na bumaba ng mesa. "What?" Tiningnan naman ni Andrei nang may pagtataka si Mia. "H-Hindi pa ako nagto-toothbrush," alanganing sagot naman ni Mia sa kanya bago ito mabilis na pumasok ng banyo. "I don't mind if you haven't brushed your teeth yet. I can kiss you anytime and anywhere." "P'wes ako hindi!" sigaw ni Mia mula sa loob ng banyo. Napangisi at napailing na lang si Andrei bago lumingon sa pinto ng apartment kung saan alam niyang may nakamasid sa kanila. Nagtama ang paningin nilang dalawa ni Kisma at base sa nakikita ni Kisma sa mga mata ni Andrei ay nakasisiguro siyang mayroon talagang hindi magandang gagawin si Andrei laban sa kaibigan niya. "Hinding-hindi kita mapapatawad, Andrei kapag sin