Shantal Mia Pagbaba ko ng taxi ay napatitig ako sa malaking gate ng Villa Esmeralda subdivision na nasa kabilang kalye. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang mataas na bahagi ng mansion nila tita Gemma at ang malaking convenience store dito sa harapan. Kaagad din akong tumalikod at napatingala naman sa mataas na apartment na nasa harapan ko. Natanaw ko sa second floor ang unit na sinabi ni tita Gemma noon na magiging bakante. Mukhang bagong pintura iyon at wala na akong matanaw na kurtina sa loob ng bintanang salamin. Napakalinis rin at wala man lang sabit-sabit na kung ano-ano sa balcony, na 'di katulad ng mga katabi nitong may mga nagsabit na mga damit sa grills. "Iha, anong tinitingin-tingin mo d'yan? May kailangan ka ba sa itaas?" Napababa naman ang paningin ko sa tindahan