Inabot ng tatlong araw ang pananatili ko sa hospital dahil sa pamumutla ko. Inobserbahan pa ng mga Doctor ang kundisyon ko at kamuntik pang masalinan ng dugo. "P'wede ka na raw lumabas. I'll just pay our bill. Where's Shepherd?" "Talaga?" Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Andrei pagpasok niya ng silid namin. "Yeah, normal naman na daw ang blood pressure mo. I also bought the multi-vitamins they prescribed for you." Iniabot niya sa akin ang isang maliit at kulay brown na supot. Sinilip ko ang laman niyon at nakita ko nga ang ilang banig ng vitamins sa loob. "Hello, my baby. Pahingi si daddy." Hinalik-halikan niya sa pisngi ang baby naming abala sa pagdede sa dibdib ko. "Nagbanyo lang si Shepherd. Sige na, magbayad ka na para makalabas na tayo. Naiinip na ako dito, eh." "A'right.