QUOTES: ISANG BATANG PASLIT MAN AKO SA IYONG PANINGIN.. PERO ANG PUSO KO AY MANANATILI NA ISANG MATATAG NA HINULMA PARA LAMANG SAYO. Kinagabihan sa loob ng kwarto ko pinatulog ang Mag-ina ko. May isang kwarto pa naman na dating kwarto ni Amira' na sadyang pinaayos ko pa ng mga panahon na nangungulila ako sa kanya. Pero sa pagkakataon na ito mas gusto ko makatabi ang mag-ina ko. Paglabas ko sa banyo nakita ko ang mag-ina ko na nagpapaluan ng unan dahil sa pag-bibiruan. Huminto ako sa paglapit sana sa kanila. Dahil nakakatuwa na pagmasdan silang dalawa dahil parehas na naman ang suot nila na pantulog. "Mommy sleep na po tayo" (Eloisa) "Sige Eloisa pero diba sabi ni Mommy dapat mag pray muna tayo?" (Amira) Sabay silang pumikit at nakikinig naman ako habang ang anak ko na si Eloisa ang