QUOTES: KATAWANG LUPA KO LANG ANG NAWALA.. PERO ANG PAG-IBIG AT MAGANDANG ALA-ALA KO AY MANANATILI SA PUSO MO NA MAGIGING DAAN PARA MAHANAP MO AKO AT MULING MAKASAMA... Tatlong Araw ang inilagi ko sa Hospital kung saan nanatili na agaw buhay si Amira. Dahil hindi ko talaga s'ya iniwan. Habang patuloy daw na lumalaban si Amira' ay patuloy rin daw na lumalaban ang Anak namin. Kaya kahit papaano naging panatag ako. Pero hindi parin inaalis ng Doctor na kahit na ano mang oras ay pwede daw na bumitaw ang katawan n'ya. dahil sa may naputol daw na ugat sa batok n'ya kung saan konektado sa utak n'ya. "Amira' Aking Reyna..tulad ng sinabi ni Daddy mo Hindi kana prinsesa dahil ikaw na ang nag-iisa na R-reyna sa buhay ko. Gumising ka na naman d'yan! Alam mo ba na sobrang pangungulila ko na sa'yo