"QUOTE" "WALANG PAGSUBOK NA HINDI KAKAYANIN KUNG SA HULI IKAW NAMAN ANG PAGTATAGUMPAYAN.. "A-amira..?" Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko na tray na may pagkain. Dahil sa aking narinig. Pero nauna na s'ya sa akin lumabas sa kusina para puntahan si Eloisa na abala parin sa panonood ng television. Tulala ako habang naglalakad papalapit sa kanila at hindi ko inaalis ang aking paningin kay Amira na nakangiti sa anak ko habang hinahaplos n'ya ito sa buhok. "Eloisa Anak' Mahal mo ba si Mommy? (Amira) Narinig ko na tanong n'ya sa anak namin. Napaupo ako sa katapat na upuan ni Amira at hindi ko inaalis ang aking paningin sa kanya. Dahil may napansin ako na kakaiba sa kanya ngayon. "Yes Mommy Mahal po kita" (Eloisa) Nakangiti na sagot ng Anak namin sa kanya. "Talaga ba..? Nahihirapan ka