"QUOTES" MINSAN BULAG TAYO SA ATING MGA NAKIKITA AT BINGI TAYO SA ATING NARIRINIG.. KAILANGAN PA BA NA MAY MGA TAO NA GAGAMITIN PARA MAKARINIG AT MAMULAT TAYO SA KATOTOHANAN... Kinabukasan hinatid ako ni Lenard pabalik sa Hacienda namin. Kinuha na rin ni Lenard ang pagkakataon na iyon para kausapin si Daddy at Mommy para sa Kasal namin. Hindi na ako nakatutol dahil tila lutang ang isip ko nang banggitin n'ya ang salitang kasal. Maayos naman natapos ang pag-uusap namin at masaya na umalis si Lenard. "Amira Anak pwede ba na makausap ka namin?" Pumasok sa kwarto ko si Mommy at Daddy at naupo sila sa magkabilang gilid ng kama ko. Kaya nakapagitna ako sa kanila. Naramdaman ko hinawakan ni Mommy ang isang palad ko at pinisil n'ya ito. "Anak' desidido ka naba dito?" Ang tinutukoy ni Mom