~(SIV SITHER VILLAVERDE POV) Hindi ako umalis sa tabi ni Tina hanggang sa magising siya. Ang sabi naman ng doctor ay magiging maayos din ang kondisyon niya. Agad akong napatingin sa kanya nang maramdaman ko ang paggalaw niya. "Tina..." Unti-unti nitong binuksan ang mga mata pagkatapos ay tumingin sa akin. "Siv..." "A-Ayos ka lang ba? K-Kumusta ka na?" "I'm... I'm good." Kahit gising na siya at nagagawa niya nang sagutin ang tanong ko, hindi ko pa rin mapigilang mag-alala. "How's... How's Ms. Dela Fuente? Ayos lang ba siya?" Nag-aalalang tanong nito. Psh, hindi ko alam kung bakit iniisip niya pa rin ang babaeng 'yon. Kahit kailan ay hindi naman ito nagkaroon ng pakialam sa kanya o kahit kaninong tauhan niya. Ito nga ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital. Hindi na niya dap

